BICOL–Patuloy ang pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Bicol region kada araw.
Kahapon, pitong bagong kaso na lamang ang nadagdag kung saan lima nito ay mula sa Camarines Sur na pawang naitala sa Naga City.
Isa ang naitala sa Albay na mula sa bayan ng Camalig at isa rin sa Catanduanes na mula sa bayan ng Viga.
Pare-pareho namang zero new case ang mga lalawigan ng Camarines Norte, Masbate at Sorsogon.
Sa kabuuan ay umaabot na sa 46,655 ang cumulative cases ng sakit pero 9.52% o 4,442 na lamang nito ang aktibong kaso.
Samantala, pumalo na sa 40,409 (86.61%) ang total recoveries matapos magtala ng 55 na mga bagong gumaling. 44 nito ay mula sa Legazpi City, anim sa Sorsogon, apat sa Albay at isa sa Catanduanes.
Sa kabila nito ay mataas naman ang bilang ng mga nasawi kung saan 13 ang bagong nadagdag.
Pito nito ay mula sa Albay, lima sa Legazpi City at isa sa Camarines Sur kung kaya sa kabuuan ay pumapalo na sa 1,804 (3.87%) ang death toll ng COVID-19 sa Bicol region.
Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### | slm