Tenement itatayo sa lungsod ng Sorsogon

SORSOGON CITY – Magtatayo ng tenement sa Barangay Sirangan sa lungsod ng Sorsogon, ito ang kinumpirma ni Sirangan Barangay Captain Josephine Lanuza.

Ayon dito, ang nasabing tenement ay proyekto ng National Government na naisakatuparan sa pamamagitan ng pagsisikap ng mga lokal na opisyal ng lalawigan.

Paliwanag pa nito, per household ang kwalipikasyon ng programa.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Prayoridad sa tenement ang mga pamilyang nakatira sa mga bahay na madadaanan ng road widening.

Una rito, sinabi ng opisyal na ang tenement na posibleng masimulan sa susunod na taon ay mayroong tatlong palapag at mayroong 30 yunit.

PHOTO: representation only

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Binigyang diin pa ng Kapitan na walang ibang maaaring tumira sa tenement kundi ang  mismong pamilya na nakapangalan dito base sa isinagawang profiling.

Hindi umano ito maaaring ibenta o iparenta ng benipisyaryo.

Sa isinagawang profiling, ay tinatayang nasa 200 pamilya ang inaasahang magiging benipisyaryo ng nasabing tenement project.