Rank No 10 MMWP sa bayan ng Jose Panganiban, napasakamay ng PNP

Sa bisa ng mandamiento de aresto ay tuluyang naaresto ng mga tauhan ng Jose Panganiban MPS ang isang minero alas 11:30 ng umaga nitong Setyembre 1, 2021 sa Purok-1, Barangay Plaridel, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Ang akusado ay kinilalang si EFREN ENTERIA y Reyes  43 taong gulang, binata, gold panner, at residente ng Purok-3, Barangay Sta. Rosa Norte, Jose Panganiban, Camarines Norte at itinuturing na ika-10 sa Municipal Most Wanted Person sa naturang bayan

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Ang naturang akusado ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section  5(a) and 5(i) ng RA 9262

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Nagrekomenda ang korte ng pyansang rekomendadong piyansa na nagkakahalagang Php.36,000.00 para sa paglabag ng Section 5 (a) at Php.72,000.00) para naman sa paglabag ng Section 5 (i) ng RA 9262 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang akusado ay kasalukuyang nasa pangangalaga  ng Jose Panganiban MPS para kaukulang disposisyon.