NAGA CITY – Nasa 24 na kandidato sa Naga City ang napadalhan ng Show Cause Order ng Commission on Election Naga dahil sa mga naging paglabag.
Kabilang sa mga napadalhan ang naturang Barangay Kapitan ng Concepcion Pequeña, dahil sa umano’y premature campaigning.
Kung saan sa panayam kay Kapitan Jewelin Regmalos, kanya itong pinabulaanan, dahil sa ginagampanan niya lamang ang kanyang tungkulin bilang Barangay Kapitan pa ng barangay, tulad na lamang ng pagpunta sa mga pagpupulong, lalo na’t wala namang kasulatan mula sa COMELEC ng suspension of duty, nasa evaluation of verification pa rin naman kasi ng opisina ang show cause order na ipinadala sa mga kandidato, ibig sabihin iniimbistigahan pa at hindi pa maituturing na disqualified na bilang kandidato.
Malakas naman ang paniniwala ni Kapitan Regmalos, na maibabasura lamang ang reklamong ipinataw sa kanya, ngunit handa naman siya sa mga posibleng mangyari pa, basta’t maipapangako niya lamang na tuloy pa rin ang mga serbisyo sa barangay