Sen. Go, nagbigay ng saloobin ukol sa iniwang paratang ni Lavillenie kay EJ Obiena

Binigyang-diin ni Senate Committee on Sports Chairperson, Senador Christopher “Bong” Go na patuloy lang ang kanilang pagsuporta at pagprotekta sa integridad ng bawat atletang Pilipino.

Ito ay matapos ang binitawang alegasyong ng isang asawa ng French pole vaulter na si Anais Lavillenie na gumamit umano ng illegal na droga si EJ Obiena kung kaya’t nanalo ito.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ayon kay Go, isa itong seryosong alegasyon na nakakasira ng reputasyon ni Obiena na siyang isa sa mga nagbigay ng sobra-sobrang pagkilala sa ating bansa.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Dagdag pa niya, maari naman ding idaan sa tamang proseso ang pag-iimbestiga dito tulad ng pagsasagawa ng drug test.

Samantala, tiniyak ni Go na hindi nila papahintulutan ang anumang akusasyon tulad nito dahil inggit lang umano ang mga ito.