BRHMC sa Albay, host sa ‘Biyaheng Menopause’ kaugnay ng padiriwang ng World Menopause Day

LEGAZPI CITY – Bukas ay nakatakdang ipagdiriwang sa buong mundo ang World Menopause Day.

Dahil dito, nakahanda na ang Bicol Region partikular ang Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC) sa pag-host ng mga aktibidad ng Philippine Society of Climacteric Medicine kaugnay ng pagdiriwang ngunit ito ay isasagawa sa Oktubre 22.

Marami ang aabangan sa programa na may pamagat na “Biyaheng Menopause sa Bicol” at kabilang dito ang zumba, menopause walk, drum and lyre exhibitions, lectures, open forum at marami pang iba na isasagawa sa iba’t ibang bahagi ng Legazpi City.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Dra. Vaneza Penolio, Medical Specialist III, Menopause Clinic Head ng Department of Obstetrics and Gynecology ng BRHMC, sinabi niya na layunin ng kanilang mga aktibidad na ma-promote ang cardiovascular at bone health para sa mga menopausal women.

Target nila na makiisa ang mga babaeng may edad 45-55 taong gulang upang maprotektahan ang kanilang puso at buto sa pamamagitan ng mga ehersisyo.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Maliban sa cardiovascular at bone health, kabilang din sa kanilang adbokasiya ang pagpromote ng mental health lalo na ng mga menopausal na babae.

Tema ng programa ang “Malusog, Masaya, Marikit: A Graceful Journey through Cardiovascular Health in the Menopause”.

Samantala, mayroon na silang 390 registered participants para sa menopause walk na binubuo ng ilang women’s group at health professionals sa rehiyon.