Mga kabataang lumalahok ng binhi ng Pag-Asa sa program natanggap ng post training supply mula sa DA-ATI Bicol 

LEGAZPI CITY- Nakatangap ng Post training supply ang mga kabataan na lumahok sa pagtatapos ng Binhi ng Pag-asa Program ng Department of Agriculture- Agricultural Training Institute Bicol.

Bawat isang BPP graduate ay nakatangap ng labing limang free-range chicken kung saan labing tatlo dito ay babae at dalawa ang lalaki pati narin ang isang sakong layer feeds.

Kasabay ding ipinamigay ang Urban Agriculture Starter Kits mula sa ahensya na may lamang ibat-ibang vegetables seeds sa mga BPP graduates at piling mga residente na malapit sa Batan National High School.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ang Binhi ng Pag-asa Program ay nagbibigay ng course training patungkol sa agricultural technologies, “agripreneurship”, leadership, values formation courses na kasama ang public speaking, leadership values, and social media training.

Parte ng programa ang pagbibigay ng post-training supply sa mga graduates nito para makapagsimula na ng kanilang livelihood enterprises na nababagay sa kanilang socio-agricultural systems.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Dagdag pa rito na magkaroon ng quarterly monitoring ang ATI Bicol para masigurong matagumpay ang mga naging benipisyaryo ng nasabing programa.

Sa kasalukuyan ito na ang ika walong batch ng nasabing programa kung saan mayroong labing isang youth participants mula sa Legazpi City at siyam naman sa Rapu-Rapu.