KORONADAL CITY- NAKATANGGAP ng hindi lalagpas sa P 5,000 na gratuity pay ang mga Job Order (JO) at Contract of Service Workers (COS) ng provincial government ng South Cotabato para sa Fiscal Year 2021.
to’y matapos aprubahan ng Sangguniang Panlalawigan sa isinagawang special session noong December 31, 2021 ang ordinansa na nagpapahintulot sa pagbibigay ng gratuity pay sa mga qualified employees.
Umabot sa P 8.5 million ang pondong inaprubahan ng SP para sa gratuity pay alinsunod sa Administrative Order No. 46 ni Presidente Rodrigo Duterte.
Nakasaad sa administrative order ng pangulo na ang mga JO at COS na nakapagtrabaho ng at least apat na buwan noong December 15, 2021 ay makakatanggap ng gratuity pay na hindi lalagpas sa P 5,000.
Ang mga hindi naman nakaabot ng 4 months ay makakatanggap ng gratuity pay depende sa kanilang length of service.
Maliban dito, may tig P 4,039 din na share ang mga job order workers ng provincial government mula sa Collective Negotiation Agreement o CNA nga mga regular employees.
