Padre de pamilya, suspek sa pag patay sa mag ina sa bayan ng Brooke’s Point

Naka kulong na ngayon sa Brooke’s Point PNP ang Padre De Pamilya na suspek sa pag paslang sa mag ina sa Barangay Amas Brooke’s Point Palawan.

Base sa sinagawang pag sisiyasat ng PNP, siya ang tinuturo ng testigo na posibleng may kinalaman sa pangyayari dahil may mga hindi tugmang salaysay ang suspek kaugnay sa pag hingi nito ng tulong sa kanyang ka anak.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Dagdag pa dito na lagi narin umano napag bubuhatan ng kamay ng suspek ang biktima sa tuwing mag aaway.

Maliban diyan may ilan pang mga ebidensya na naka pagdidiin sa suspek.

Matatandaan, nitong January 2, 2022 ng maiulat ang pamamaslang sa Desisyete anyos na ina at anak nito na lalaki na mahigit isang taong gulang pa lamang.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Samantala kasalukuyan namang naka burol ang labi ng mag ina sa Sitio tabog Barangay Saraza habang nakakulong na sa piitan ang kanilang Padre de pamilaya.

Note : Hindi muna namin ibinigay ang pangalan na sangkot sa pakiusap narin ng PNP habang inihahanda na ang kasong isasampa sa suspek.