Bfp cauayan, pinaghahandaan na ang pagsisimula ng business one stop shop (boss)

Pinaghahandaan na ng Cauayan City Fire Station ang pagsisimula ng Business One Stop Shop (BOSS) may kaugnayan sa renewal ng business permit ng mga establishimento sa lunsod.

Sa panayam 92.9 Brigada News FM Cauayan kay FO2 Jonathan Cabangan, Fire Safety Inspector ng BFP Cauayan, sinabi niya na sa ngayon ay hinihintay na lamang ang request o ‘go signal’ ng BPLO kung kailan magtatalaga ng opisina ang BFP sa City Hall.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Aniya, para maisagawa ang fire safety inspection sa mga establoshimento kailangan lamang na maipakita ng mga business owner ang assessment form mula sa LGU at resibo ng pinagbayaran na siyang magiging basehan kung magkano ang sisingilin bilang fees.

Sa pamamagitan nito ay titignan kung mayroon umanong violation o kakulangan sa mga establishimento at marapat na mag-comply sa mga fire safety measures na ipinapatupad ng BFP.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Ayon pa kay FO2 Cabangan, noong nakaraang taon ay nakapagtala sila ng mahigit 4,000 na establishimento.

Dagdag pa niya na dahil sa mga naranasan na paghihigpit noon sa quarantine status ay mga nagsarang negosyo subalit ngayong taon ay may pagluwag na kaya naman inaasahan na marami ang mag-aapply.