NAGA CITY—Magandang balita para sa mga miyembro ng Indigenous People sa Camarines Sur, maglalagay na ng priority lane para sa kanila sa mga tanggapan ng Land Transportation Office sa probinsya.
Ito’y matapos pumirma ng Memorandum of Agreement ang LTO Bicol at National Commission on Indigenous People.
Ayon kay Francisco Ranchez Jr., Regional Director ng LTO 5, bibigyan ng prayoridad ang mga katutubo na kukuha ng driver’s license sa mga LTO Offices sa pamamagitan ng priority lane na ilalaan para sa kanila.
Kabilang sa mababanepisyuhan nito ay ang mga miyembro ng Agta sa Iriga City at Manides ng Daet, Camarines Norte.