CAMARINES NORTE- Aabot sa apatnaput isang benepisyaryo mula sa hanay ng Indigenous People (IP) na nasa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) sa Camarines Norte ang nakatanggap ng suportang pinansyal kamakailan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa ilalim ito ng Modified Conditional Cash Transfer Program (MCCT).
Ang MCCT ay isang programa na idenesenyo para sa mga mahihirap na pamilya at ang nasa tinatawag na vulnerable and disadvantaged pero hindi kasama sa Regular Conditional Cash Transfer (CCT) kasama na ang mga kabilang sa IP community.
Isa itong suportang pinansyal na maaaring gamitin sa mga proyektong pangkomunidad (Cash for Building Livelihood Asset o CBLA) o kaya anumang pagkakakitaan ng komunidad/pamayanang katutubo.
May kaakibat itong mga kondisyon o responsibilidad ng pamilya na kabilang sa MCCT.
Ang mga nakatanggap ng cash grant ay ang IP community mula sa Labo at Jose Panganiban.
Ayon sa DSWD nasa Php179,490.00 ang kabuuang halaga na ipinamahagi sa nabanggit na bilang ng mga benepisyaryo.
(photo courtesy: DSWD)

