Suportado ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang pagbuo ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines (VIP).
Ayon kay Andanar malaking tulong ito upang mapaunlad pa ang kakakayan ng bansa na makapag-develop ng sariling bakuna at maging premier research institute sa larangan ng virology at pag-aaral sa mga sakit ng tao, hayop at halaman.
Paliwanag ni Andanar dalawang sakit ang hinaharap ngayon ng bansa ito ang COVID-19 na nakahahawa sa mga tao at ang pangalawa ay ang ASF, na ang tinatamaan ay mga hayop – at ang apektado ay ang hog industry.
Dagdag pa ng kalihim na masaya siya at agad inaksyunan ng Kongreso ang balak na pagtayo ng Virology and Vaccination Institute of the Philippines at umaasa din umano siya na agad itong maisasabatas upang masimulan na ang kanilang trabaho.
Magugunitang kabilang ang planong pagbuo ng Virology and Vaccine Institute of the Philippines sa mga inindorso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling SONA.
