Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez ang commitment ng Kamara na ipasa ang lahat ng panukalang batas na babanggitin ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang ikatlong State of the Nation Address.
Ayon kay Romualdez, sakaling mayroong dagdag na panukala na hihilingin ang pangulo sa SONA ay bibigyan ng prayoridad na maaprubahan.
Makikipagtulungan aniya sila sa executive branch upang masiguro ang mabilis na pagpasa sa SONA measures na tutugon sa pangangailangan at pagtataguyod ng sustainable development.
Handa na ring tanggapin ng Mababang Kapulungan ang panukalang 6.325 trillion pesos na National Expenditure Program na target ipasa sa katapusan ng Setyembre.
Giit ni Romualdez, sisiguruhin nila ang agarang pag-transmit ng 2025 General Appropriations Bill sa Senado.
Inaasahang isusumite ang NEP sa Kamara sa July 29 matapos repasuhin ng buong gabinete.
Alinsunod sa 1987 Constitution, dapat maisumite sa Kongreso ang NEP sa loob ng tatlumpung araw mula sa petsa ng SONA.
Samantala, mananatili naman ang pangako ng Kamara na tatapusin at ipapasa ang nalalabing priority measures ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC.