Incoming DepEd Secretary, Sen. Angara – umaasang makakausap niya si VP Duterte bago ang pagpalit niya rito ngayong linggo

Ibinahagi ni Incoming Department of Education (DepEd) Secretary, Senador Sonny Angara na posibleng ngayong Biyernes mangyari ang turnover ceremony sa pagitan niya at ni Vice President Sara Duterte.

Dagdag pa niya, pagkatapos naman din ng araw na ito ay saka pa lang siya makakaupo bilang bagong kalihim ng nabanggit na kagawaran.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Pero bilang paghahanda rito, nakuha na umanong makipagpulong ni Angara sa undersecretary at secretary ng DepEd para magkaroon siya ng ideya sa mga pending programs at activities at upang malaman niya ang mga expectations mula sa pag-upo niya.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Samantala, umaasa naman ang senador na magkakaroon sila ng pagkakataong magkausap ni Sara bago niya palitan ito sa pwesto.