Kinokonsidera ng Department of Foreign Affairs ang pagpapapasok ng mga hindi bakunadong mga byahero sa bansa, ngunit kailangan nilang sumailalim sa mas mahabang quarantine period.
Sinabi ito ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. sa kaniyang Twitter post.
Dagdag ni Locsin, maari rin nilang papasukin ang mga bakunadong indibidwal mula sa visa-free countries at ang mga may hawak na mutually recognized vaccination cards.
Noong Nobyermbre ng nakaraang taon, ay inanunsyo ng Palasyo na papayagan ang mga fully vaccinated na dayuhan na makapasok sa bansa na inimplementa dapat noong December 1-15, 2021.
Pero noong December 6 ay iminungkahi ni National Task Force Against COVID-19 adviser Dr. Ted Herbosa sa gobyerno na i-review ang green list countries na may detected na Omicron variant, na tinukoy ng World Health Organization bilang variant of concern.
