18,638 na bagong COVID-19 cases, naitala sa Pilipinas

Naitala ng Pilipinas ang 18,638 na bagong COVID-19 cases sa bansa.

Base sa huling bulletin ng Department of Health, mula sa mahigit 3.51-million na kaso, 231,658 ang mga aktibong kaso.

Kasama na rito ang 7,055 na asymptomatic, 219,811 na mild, 2,971 na moderate, 1,509 na severe, at 312 na nasa critical condition.

Inihayag ng DOH na mula sa mga bagong kaso, 18,281 nito o 98% ay nangyari sa nakalipas na 14 na araw, mula January 15-28.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Makikita rin sa datos na ang Region 4-A ang nangunguna sa may pinakamaraming mga bagong kaso na umabot sa 2,379 o 13%.

Sumunod naman ang National Capital Region (NCR) na may 2,211 o 12% at Region 6 na may 1,969 o 11%.

Pumalo naman sa 53,801 ang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19 kabilang na ang 68 bagong fatalities.

Naiulat rin ng DOH na meron nang mahigit 3.22-million recoveries sa bansa, matapos itong madagdagan ng 13,106 na bagong indibidwal.

Read More:  BAYAN urges public action to condemn developments in the Senate

Kaugnay nito ay nasa 34.6% na ang positivity rate ng bansa na higit na mas mataas kumpara sa requirement ng World Health Organization na less than 5% positivity rate.

Makikita rin sa pinakahuling datos na 49% ng 3,900 intensive care unit (ICU) beds para sa COVID-19 patients sa buong bansa ang patuloy na ginagamit.

Tinatayang nasa 51% naman ng 15,900 na ward bets sa bansa ang naka-utilize, habang 45% naman ng 4,400 ward beds sa National Capital Region (NCR) ang ginagamit.