NAGA CITY- Dumagsa sa Del Gallego Camarines Sur Border Control Point ang mga galing sa National Capital Region bago ang pagsasailalim sa Enhanced Community Quarantine.
Ito ay ayon sa Del Gallego PNP na isa sa mga nangunguna sa pagsala sa mga umuuwi at daraan sa lalawigan.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PLt. Christian Oida , IOC Chief of Police ng nasabing himpilan, ibinahagi nitong mayroong mga nakikipag diskusyon subalit inilalatag na lamang nila ang mga protocols ng IATF, Provincial Government at hinihingi ng kanilang mga bayang uuwian upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-Virus at maharang ang posibleng carrier ng delta variant nito.
Kaugnay nito mas pinaplantsa pa ng Del Gallego PNP, at Provincial incident Management Team ang sistema sa lugar upang hindi magdulot ng mahabang pila ng mga sasakyan.