BICOL—Umabot na sa 21% ng target population sa Bicol region ang fully vaccinated laban sa COVID-19.
198% na ang mga bakunado sa A1 o mga health workers, 48% sa A2 o senior citizen, 66% sa A3 o individuals with comorbidity, 12% sa A4 o uniformed personnel at 3.27% sa Other priorities at indigent population.
Base sa pinakahuling vaccine statistics report ng Department of Health (DOH) Bicol, 907,862 na mga indibidwal na ang completely vaccinated kung saan 237, 372 nito ang naturukan ng one shot Janssen vaccine habang 671,490 ang nabakunahan ng second dose.
1,050,569 na rin ang nababakunahan ng first dose at naghihintay ng schedule ng kanilang second dose.
Sa kabuuan, umaabot na sa 2,585,450 doses ng COVID-19 vaccines ang natanggap ng Bicol region kung saan 76% na nito ang administered o naibakuna na. Katumbas ito ng 1,959, 431 doses ng COVID-19 vaccine.### || slm