Inaantay ng Local Inter-Agency Task Force Against Covid19 ang kopya ng bagong guidelines o panuntunan para sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level 2 gaya ng Olongapo.
Ito ay para bahagya nang maluwagan ang mga dating patakaran na pinaiiral noong mas mataas pa ang kaso ng corona virus disease sa Olongapo at punuan pa ang ospital.
Ayon kay Mayor Lenj Paulino, mayroon nang anunsyo sa mga Local Chief Executive mula sa national IATF tungkol sa bagong mga patakaran pero wala pang kopya ng guidelines na ipinadadala sa mga local government unit.
Kabilang sa mga inaasahang papayagan ay ang paglabas ng bahay ng mga bata at pagpayag sa mga contact sports.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
