Sumailalim sa seminar ang ilang mangingisda ng Lungsod ng Olongapo.
Ito ay may kaugnayan sa Financial Literacy sa pamamagitan ng City Agriculture Office at Department of Trade and Industry.
Ayon sa City Agriculture, malaking tulong ito para masiguro ang maayos na pananalapi ng mga mangingisda.
Pinasalamatan ng tanggapan ang DTI na katuwang para maisakatuparan ang nasabing seminar.
Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng sapat na kaalaman ang mga dumalo sa mga dapat gawin para matiyak ang financial stability.//Jen Bayot
Photo: Olongapo City Agriculture