Senado, nakapaghalal na ng mga bagong luluklok sa komite

Sinimulan na ng bagong liderato ng Senado ang pagsasaayos ng mga senador na luluklok sa mahigit apatnapung komite.

Ito ay alinsunod sa biglaang pagpalit ni Senate President Chiz Escudero sa liderato ni dating SP Migz Zubiri pagkatapos siyang suportahan ng labinglimang senador.

Ilan lang sa mga pagbabago ay ang pag-upo bilang chair ni Senador Sonny Angara sa Committee on Justice and Human Rights na dating hawak ni Senate Deputy Majority Leader Francis Tolentino; pamamahala ni Senador Raffy Tulfo sa Committee on Public Services na dating kay Senadora Grace Poe at pag-upo ni Senadora Pia Cayetano sa Committee on Energy na dati kay Tulfo.

Samantala, natanggap naman din ni dating Senate President Migz Zubiri ang paghawak sa Economic Affair na dating hawak ni Senador Mark Villar.

Binigyang-diin naman sa press conference ni Escudero na maari pa itong magbago depende sa magiging usapan nila sa mga susunod na araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *