Ipinagpatuloy ni Pangulong Bongbong Marcos ang pamamahagi ng Presidential Financial Assistance sa mga nasalanta ng El Niño.
Ngayong araw, sa probinsya ng Tawi-tawi namahagi ng tig-sampung libong pisong ayuda si Pangulong Marcos para sa mga mangingisda at magsasaka.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na kaya nya piniling personal na iabot ang tulong pinansyal, dahil nais nitong makita na talagang natatanggap ng mga tao ang tulong ng gobyerno, at para na rin makausap ang mga residente upang maunawaan ang kanilang sitwasyon at makahanap ng solusyon.
Bukod dito, namahagi rin ang Pangulo ng tig-sampung milyong pisong cheque assistance para sa Provincial Government ng Tawi-tawi at Basilan.
Kasama rin sa mga ipinamahagi ang iba’t ibang tulong mula sa DSWD, DTI, DOLE, TESDA at DA.
Mamayang hapon, tutungo naman si Pangulong Marcos sa Maguindanao del Sur upang mamahagi ng katulad na assistance sa mga residente doon.