Hinimok ng Trade Union Congress of the Philippines ang labor department na magsagawa ng labor inspections sa ilang establishimyento na napaulat na hindi nagpapasahod sa mga empleyado nito na wala pang bakuna kontra COVID-19..
Ayon sa TUCP, kailangan ng DOLE na umaksyon kaagad upang maiwasan na maging normal ang nasabing gawain.

Iginiit ni TUCP President Raymund Mendoza na dapat ay may parusang kulong laban sa mga employers na ayaw magpasahod ng kanilang tauhan.
Binigyang diin ni Mendoza na ang “no vaccine, no wage” scheme ay labag sa batas na may kinalaman sa COVID-19 vaccination program kung saan ay sinabi na hindi pwede maging mandatory requirement sa edukasyon, trabaho, at iba pang transaksyon sa gobyerno ang mga vaccine cards.