Umapela ang ilang miyembro ng House of Representatives sa gobyerno na magbahagi ng mas maraming doses ng COVID-19 vaccines sa mga probinsya.
Sinabi ni Albay Representative Joye Salceda, House and ways committee chairman, na krusyal ang nasabing hakbang sa pagkamit ng economic growth para sa susunod na taon.

Ipinunto ng mambabatas na kailangan lamang ng LGUs na maging agresibo sa paghahabol sa bilang ng mga nababakunahang indibidwal.
Iginiit rin niya na sa probinsya ng Bicol, ay nasa 10-percent lamang ng eligible na populasyon nito ang bakunado.