Mga estudyante sa public schools magkakaroon ng mid-year break sa susunod na linggo pero ang mga guro sasalang sa training

CAMARINES NORTE – Magkakaroon ng mid- year break ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa susunod na linggo.

Batay sa school calendar, ang mid- year break ay sa January 24- 26 at January 29- 30 ng taong kasalukuyan.

Kaugnay nito ay hinimok ng Department of Education (DepEd) ang mga magulang na gawing makabuluhan ang mid- year break ng mga bata.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Administrative Officer V at Division Information Officer Antonio Ahmad, nanawagan ito sa magulang na magtakda pa rin ng panahon para makapag- aral ang mga bata habang ang mga ito ay naka- break sa eskwela.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Pero kung naka- break ang mga estudyante, sasalang naman ang mga guro sa Midyear Performance Review and Evaluation and the School-Based In-service Training (INSET) of teachers.

Ito naman umano ay para patatagin ang competencies ng teaching force at upang mapataas ang kalidad ng edukasyon.