Oversupply sa mga gulay, pinabulaanan ng DA

Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na wala namang oversupply ng mga highland vegetables.

Sa pulong balitaan, sinabi ni DA Spokesperson Arnel de Mesa na kung titingnan ang mga datos sa kabuoan ng 2023 ay mayroong bahagyang pagbaba sa produksyon.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Paliwanag ni De Mesa, noong last quarter lamang walang bagyo kaya mas maraming gulay ang naani.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Dagdag pa ng opisyal, mas kakaunti rin daw ang traders na umakyat sa La Trinidad Vegetable Trading Post mula January 1 hanggang January 3.

Pagtitiyak ni De Mesa, kasalukuyan nang nag-normalize ang sitwasyon sa Benguet.