Government workers na nagtatrabaho na ng sampung taon sa gobyerno plus 10 sa gagawing CSE- PPT sa Marso

CAMARINES NORTE – Inanunsiyo ng Civil Service Commission na pagkakalooban ng 10 points preferential rating ang mga nagtatrabaho sa gobyerno sa loob ng sampung taon na kukuha ng Career Service Examinations Pen and Paper Test sa Marso 3 ng taong kasalukuyan.

Ginawa ang anunsiyo ni Commissioner Aileen Lizada sa state- owned television station nitong Lunes, January 15, 2024.

Ang bagay na ito naman ay kinumpirma sa Brigada News FM Daet ni Camarines Norte CSC Director II Atty. Alicia Salinas via facebook messenger.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Gayunman sinabi ni Salinas na hinihintay pa nila ang official guidelines ng Resolution Number 2301123 na may titutlong Guidelines on the Grant of Career Service Eligibility Preference Rating na sa ngayon aniya ay “in progress” ang publication.

Ani Salinas, magkakabisa ang resolusyon 15 araw pagkatapos ng publication.

Sa ilalim ng naturang resolusyon mayroong plus 10 pointsa sa exam ang government worker.

Nangangahulugan ito na kung makakuha ng 70 % sa exam ay pasado na ito dahil sa plus 10 kaya magiging 80 %.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Mababatid na 80 % ang passing rate sa CSE- PPT.

Saklaw nito ang mga job order employees, contracts of service, contractual, casual at coterminous positions gayundin ang mga empleado sa posisyon sa ilalin ng categories 3 at 4 at yaung may first level civil service eligibility.

Sa datos ng CSC Provincial Office nasa 1, 450 ang nakatakdang kumuha ng March 2024 CSE- PPT sa Camarines Norte, 1, 325 ay professional habang 125 naman sa sub professional.