Nababahala ang ilang health expert sa patuloy na pagtanggi ng mas maraming kababaihan sa India na magpabakuna.
Ito ay dahil umano sa paniniwalang mas delikado pa kaysa sa virus ang bakuna.
Ayon sa report, 65% ng populasyon sa rural areas sa India ang nagmamatigas na hindi magpabakuna dahil natatakot silang ikamatay nila ito.
Inihayag ng ilang healthcare workers na madalas silang pinagsasaraduhan ng pinto o kaya ay binabara sa mga villages na kanilang pinupuntahan.
Kinumpirma din ng ilang workers na nakatanim sa isip ng marami nilang napupuntahan sa mga rural areas na ang mga dayuhan ang kasabwat nila sa pagbabakuna na layong patayin lamang ang mga mahihirap.
Kumbinsido naman ang ilang doktor na mas mababa kasi ang access sa information ng maraming kababaihan sa India kaya mas vulnerable ang mga ito sa mga haka-haka ang misinformation.
Sa kasalukuyan ay nasa 5% pa lang ng populasyon ng India ang nababakunahan kontra COVID-19 kung saan mas marami ang mga lalaki kaysa sa mga babae.