Pangalan pa lang ay talagang mabilis na, kaya naman hindi na nakakagulat na muling nabawi ni David Rush ng Idaho ang Guinness World Record para sa pinakamabilis na pagbalot sa plastic sa kanyang partner.
Nagawa kasi nitong maibalot ang buong katawan ng kanyang asawang si Jennifer ng plastic wrap sa loob lamang ng 1 minute and 2.44 seconds.
Si Rush na kilala na sa pagbasag ng nasa 150 Guinness records para i-promote ang STEM education ay unang naitala ang nasabing world record noong 2019 nang magawa niyang maibalot sa plastic ang kanyang misis sa loob ng isang minuto at 57 segundo o halos dalawang minuto.
Pero may magkaprehang nakaagaw sa record na ito matapos magawa ng mga ito ang pagbabalot sa plastic sa oras na isang minuto at 29 na segundo.
Dahil determinado si Rush na bawiin ang record ay inaral nilang maigi ng kanyang misis ang mas mabilis na technique kung saan siyam na rolyo umano ng plastic wrap ang kanilang nagamit sa pagsasanay lamang.
At hindi nga sila nabigo dahil sa kanilang pinakahuling pagsubok ay nagawa nila ito sa loob ng 1 minute, 2.44 seconds o halos isang minuto lang.
Ayon kay Rush, matinding hamon sa pagkuha ng nasabing record ay kailangang tiyaking walang gaps sa pagbabalot at dapat ding masiguro na ang bawat braso at hita ay magkahiwalay na naibalot. || Shiela Madrigalejos

