Mahigit 60 container vans, inilagay ng DPWH sa mga LGU at ospital sa Bicol bilang tugon sa kakulangan ng mga health facilities sa rehiyon

BICOL– Bilang tugon sa kakulangan ng mga health facilities sa Bicol Region bunsod ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic, minabuti ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na maglagay ng mga temporaryong health facilties na gawa sa container vans sa iba’t-ibang LGU at ospital sa rehiyon.

Nasa 60 container vans na may naka installed na air-condition, mahahalagang kagamitan at maliit na kusina ang makikita sa loob ng mga container vans depende sa pangangailangan ng lugar kung saan ito ilalagay.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa panayam kay DPWH Bicol Regional Director Virgilio Eduarte, lubos aniya ang kanilang pasasalamat na napagbigyan at inaprubahan ni DPWH Sec. Mark Villa ang kanilang kahilingan upang matugunan ang shortage ng health facilities sa rehiyon.

Inilagay ang mga nasabing container vans sa mga ospital sa rehiyon gaya ng Bicol Medical Center sa lungsod ng Naga; Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Albay at mga lokal na pamahalaan ng Daraga, Oas, Manito, at iba pang mga bayan at lungsod sa nasabing lalawigan.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Matatandaang nitong buwan ng Abril ay itinurn-over ng DPWH Albay 2nd District Engineering Office ang Modified Standard 1-Storey Health Facility sa Ibalong Centrum for Recreation.### || JESSA NAGERA