Mga disconnected ‘Barangay Power Association’ sa Albay magkakaroon ng 48 oras na kuryente para makapag-boto

LEGAZPI – Kinumpirma ng Albay Power and Energy Corporation o APEC na 48 oras na mayroong kuryente ang mga lugar na apektado ng ‘disconnected BAPAs o Barangay Power Association sa Albay.

Ayon kay APEC COO Apolinario Alvarez sa ginawang presscon ng APEC, naka-energized ang kuryente sa mga disconnected na mga consumers ng BAPA upang makapagboto ang mga botante na apektado nito.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Ayon pa sa opisyal, simula Mayo 8 sa darating linggo ay nakaenergized na ang mga BAPA hanggang sa matapos ang National and Local elections  sa Lunes, Mayo 9, 2022.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Samantala, may pagkakataon pa na makapagbayad ang mga disconnected consumers at kung hindi ay puputulin ulit ito pakatapos lang ng halalan.