Comelec pinaalalahanan ang mga botante na ingatan ang balota

CAMARINES NORTE- Pinaalalahanan ng Commission on Elections ang mga botante na paka ingatan ang balota.

Ayon kay Election Officer IV Virgilio Veras ng Comelec Speaker’s Bureau, hindi umano ito tulad ng manual election na mayroong reserba kaya dapat ingatang huwag madumihan at masira.

Aniya eksakto lang kasi ang bilang ng balota sa registered voters sa isang clustered precinct.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Hindi umano pwedeng gamitin ang balota sa ibang presinto dahil naka- configure ito sa nakatalagang Vote Counting Machine sa clustered precinct.

Paalala ni Veras na gamitin lang ang nakatalagang marking pen sa pag- shade sa balota upang masigurong hindi ito iluluwa ng VCM.

Apat na beses pwedeng ulitin ang pagpasok sa machine at kapag hindi ito tinanggap ay hindi na mabibilang ang boto.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa pag- shade naman sa bilog sa tapat ng pangalan ng kandidato ay dapat aniyang siguruhin na ito ay fully shaded kahit na may mga pagkakataon naman na binibilang at binabasa pa rin ito ng machine kahit hindi buo ang pagkaka- shade.

Maigi na umanong sinusunod ang instruction upang hindi mauwi sa pagkasayang ng boto.