Mga deboto ng Poong Itim na Nazareno, patuloy ang pagdating sa Quirino Grandstand

Patuloy ang pagdating ng mga deboto ng Itim na Nazareno sa Qurino Grandstand para sa ikatlong araw ng Pahalik ngayong Lunes.

Batay sa pinakahuling monitoring ng Manila Police District, umabot na sa 42,510 ang bilang ng mga deboto simula pa noong sabado ng alas sais ng gabi ng simulan ang pagpupugay.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Sa ngayon, ay walang patid ang pagdating ng mga tao na tila hindi alintana ang init at karamihan sa kanila, ay dito na nagpalipas ng gabi dahil para sa mga deboto, handa silang magsakripisyo para sa Poong Nazareno.

Kaugnay nito, ipinagbabawal pa rin ang paghalik sa imahen at pinapayagan lamang ang paghawak at pagpunas gamit ang panyo o tuwalya.

Read More:  House prosecution panel names official spokespersons for Duterte impeachment

Samantala, kapansin-pansin din na mas mabilis at organisado ang pila ngayong taon dahil na rin sa mga nagbabantay at ginawang paghahanda ng mga awtoridad.

May hiwalay rin na pila para sa persons with disability, senior citizens, at mga buntis upang hindi na sila mahirapan sa pag-akyat at pagpunas sa Itim na Nazareno.