Mga deboto ng Birheng Maria sa lalawigan ng Camarines Norte nakiisa sa pagdiriwang ng buong mundo ng kapistahan ng Imaculada Concepcion

CAMARINES NORTE- Nakiisa ang mga deboto ng Birheng Maria sa lalawigan ng Camarines Norte sa pagdiriwang ng sambayanang kristiyano sa buong mundo ng kapistahan ng Imaculada Concepcion.

Maaga pa lamang kanina ay nagtungo ang mga mananampalataya sa mga simbahan upang dumalo sa pagdiriwang ng banal na misa sa karangalan ni Maria.

Ayon sa ilang deboto, magandang pagkakataon ang pagdiriwang ng kapistahan ng Imaculada Concepcion dahil deklarado itong special non- working holiday kaya’t may pagkakataon umano silang magsimba.

Nagkaroon ng misa kaninang alas 6:30 ng umaga sa Holy Trinity Cathedral at mayroon pa uli mamayang alas 5: 30 ng hapon.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ang mga hindi naman makakapunta sa simbahan ay maaaring makiisa sa misa sa pamamagitan ng online live streaming.

Kabilang pa rin sa mga ipinagdarasal ng mga nagsimba kaninang umaga ay tuluyan nang matapos ang pandemya na nagpahirap sa buhay ng marami.

Ginagawa pa rin dito sa Diocese of Daet ang pagdarasal ng Revised Oratio Imperata para sa proteksyon laban sa COVID- 19 bago ang huling pagbabasbas sa misa.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ang kapistahan ng Immaculada Concepcion ay kabilang sa holy day days of obligation ng mga katoliko.

Kabilang rin ito sa mga araw ng holiday ngayong 2021 batay na rin sa naunang deklarasyon ng Malacanang.

Base ito sa Republic Act No 10966 na naisabatas noong 2017 na idenedeklara ang December 8 kada taon na special non- working holiday sa buong bansa.

Ang mga empleado na pumasok ngayong araw ay entitled sa 30 % overtime pay.