Mga dadalo sa misa ngayong kapistahan ng Immaculada Concepcion, pinakikiusapan ng maging responsible laban sa COVID-19

NAGA CITY- Binibigyang-pugay ngayong Dec. 8, 2021 ng mga Katolikong Pinoy ang Birheng Maria bilang paggunita sa kapistahan ng Imaculada Concepcion o Immaculate Concepcion. Ang Birhen ay kinikilala din bilang principal patroness ng bansa.

Maraming namamampalatayang taga Camarines Sur at Naga City. Kaya naman asahan ang presensya ng mga pulis sa mga malalaking simbahan lalo pa sa Immaculate Concepcion Parish sa Barangay Concepcion Pequeña.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sinabi sa Brigada News FM ni Naga City Police Office (NCPO) Spokesperson PSMS Tobi Bongon na magbabantay ang personahe lalo na sa labas. Sa loob aniya may mag distant markers naman sa mga upuan at hindi rin kaaya-aya na pana’y ang sita nila sa loob kung kaya’t nakikiusap sa publiko na sumunod upang maiwasan ang paghawa ng COVID-19.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Samantala inaasahan na ang mabigat na daloy ng trapiko  sa National Road lalo pa mamayang hapon dahil bukod sa mga magsisimba wala ring pasok sa mga pribadong opisina.  Special non-working holiday ang araw na ito batay sa Republic Act 10966 and Proclamation No. 986.  Kaya ayon kay punong Barangay  Wewen Regmalos,  bukod sa PNP nakaantabay din ang mga Barangay Tanod at volunteers.