NAGA CITY- Pabor ang Naga City Police Office sa planong “No vaccination, no job o no dut” policy para sa mga personaheng walang sapat na dahilan upang hindi magpabakuna laban sa COVID-19.
Ito ang inihayag sa Brigada News FM Naga ni City Director PCol. Marlon Catan, matapos sabihin ni Police Gen. Dionardo Carlos na halos umabot pa sa 900 ang hindi bakunadong pulis sa bansa. Nilinaw ng PNP Chief na ang mga ito at hindi i-dedeploy sa labas kundi sa low-risk duty na lamang.
Ayon kay Catan, mahalaga kasing protektado ang pulis upang protektado rin ang komunidad at pamilya. Ipinagmalaki ni Catan na sa 736 personahe mayroon silang 100% vaccination rate o lahat na nabakunahan para magbantay sa economic hub na lungsod.
Sa record ng NCPO hindi aabot sa dalawampu ang personaheng tinamaan ng COVID-19.