Mga Chinese investors, nakipagpulong kay Gov. Tamayo
KORONADAL CITY- APAT na mga Chinese investors ang bumisita sa lalawigan ng South Cotabato noong Lunes at nakipagpulong kay Governor Reynaldo Tamayo Jr.
Ito ay bahagi ng target ng gobernador na maging investment capital ng Soccsksargen ang South Cotabato.
Sa naturang meeting kasama ang South Cotabato Economic and Investment Promotion Center, tinalakay ng mga ito ang mga investment priority areas katulad ng agro-industrial at tourism.
Plano ng mga Chinese investors na mag-develop ng mga cable cars, solar at hydro power generator sa probinsya.
Ang mga ito ay inaasahang makatutulong upang magkaroon ng employment opportunities ang mga mamamayan at tax revenues.
