Mga byahero mula Taiwan, nagtutungo sa Guam para magpabakuna kontra COVID-19

Inihayag ng isang major travel agency sa Taiwan na nakakapagbenta ito ng daan-daang tours sa Guam, kung saan ay sinasamantala ng mga byahero ang alok ng nasabing American territory na COVID-19 vaccination para sa mga turista.

Sinabi ni Lion Travel general manager Andy Yu, patuloy na nahihirapan ang Taiwan na makapag-procure ng sapat na suplay ng COVID-19 vaccines, na dahilan kung bakit naakit ang marami sa mga byaherong Taiwanese sa vaccination and vacation offer ng Guam.

Ipinunto ni Yu na nasa dalawang flights na nito na papunta sa Guam ang fully booked.

Noong Miyerkules ay inanunsyo ng Lion Travel na nagawa nitong makapagbenta ng 600 na five-day package tours sa Guam.

Gayunman, hindi pa covered ng package deals ng nasabing travel agency ang ground tours at ang halaga ng tatlong COVID-19 tests at dalawang vaccine shots, na tinatayang aabot sa 880-US Dollars (P43,217) kada isa sa ilalim ng Air V&V Program ng Guam.

Ipinunto rin ni Yu na kailangan ng customers na gustong magpabakuna sa Guam na makipag-usap sa mga otoridad doon.

Nilinaw naman ng travel agency na hindi na bahagi ng responsibilidad nito ang anuman medical issues na posibleng maranasan ng kanilang mga pasahero mula sa pagpapabakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *