Nakauwi na si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa Pilpinas matapos ang kaniyang pagsali sa 69th Miss Universe pageant at sa halos dalawang buwang extended stay nito sa Estados Unidos.

Bago ang pag-uwi ng Ilongga beauty sa Pilipinas ay bumisita muna ito sa White House.

Doon ay sinabi niya na nahirapan siya sa pag-book ng kaniyang flight.

Inihayag rin ni Rabiya na masaya at privileged siya na irepresenta hindi lamang ang Iloilo kungdi ang buong bansa sa ginanap na Miss Universe.

Ikinumpara ni Rabiya sa isang rollecoaster ride ang kaniyang pinagdaanan, at sinabi na marami siyang natutunan rito.

Bukod sa Washington D.C. ay naispotan rin si Rabiya na ibinibida ang kaniyang Philippine terno sa mga kalsada ng New York.

Nakipag-dinner rin si Rabiya kasama ang Hollywood director na si Cyrus Nowrasteh, na nanguna sa pelikulang “The Young Messiah”

Mababatid na ang pagbisita ni Rabiya sa Washington ay bahagi ng kaniyang fund-raising campaign laban sa cancer.

Samantala, isiniwalat naman ni Rabiya na balak niyang sumali sa local showbusiness soon kung saan ay nais niya maging isang TV magazine show host dahil gusto niya talaga ang pag-interview sa mga tao at likas anya siya na madaldal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *