Mga buntis, kasama na sa vaccination priority group

Inanunsyo ng Department of Health na isinama na sa listahan ng mga priority groups ng COVID-19 vaccination drive ng gobyerno ang mga nagdadalang-tao.

Ayon sa DOH, base io sa rekomendasyon ng mga eksperto.

Inihayag ng ahensya na irerebisa nito ang kanilang umiiral na panuntunan para sa mga buntis na kababaihan upang makita ito sa ilalim ng Expanded A3.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Ipinunto ng DOH na generally safe ang mga bakuna para sa mga buntis, at ang pagpapabakuna nila laban sa sakit ay aktibong inirerekomenda sa kanilang 2nd o 3rd trimester.

Dagdag ng DOH, pwede rin mabakunahan ang mga high-risk pregnant women sa kanilang 1st trimester kung makakapag-secure ang mga ito ng medical clearance mula sa kanilang doktor, at magiging malinaw sa kanila ang lahat ng benepisyo at risks ng pagpapabakuna.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Tiniyak naman ng DOH na ligtas ang lahat ng mga COVID-19 vaccines na ginagamit sa bansa para sa mga pregnant at breastfeeing women.

Sa ngayon, tanging ang Sputnik V ng Gamaleya Institute ang hindi pinapayagang maiturok sa mga buntis.