Ipagagamit muna sa Overseas Filipino Workers pansamantala ang “yellow cards” upang magkaroon ang mga ito ng katibayan na sila ay bakunado na kontra COVID-19.
Ito ay habang tinatrabaho pa ng gobyerno ang pagkakaroon ng unified vaccine card.
Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na iniimplementa sa ngayon ng gobyerno ang yellow cards ng Bureau of Quarantine, habang inaasikaso ang uniform digital vaccination card na may kalakip na quick response (QR) code.

Mababatid na naantala ang rollout ng digital vaccination cards dahil sa kakulangan ng datos na inuupload ng local government units.
Naniniwala naman si Nograles na dahil ito sa mahinang regional presence ng Department of Information and Communications Technology, na naatasang manguna sa programa.
Matatandaan na namroblema ang mga Overseas Filipino Workers sa Hong Kong matapos mapag-alaman na hindi tinatanggap ng Hong Kong ang mga magkakaibang vaccination cards na inisyu ng LGUs sa Pilipinas.