NAGA CITY –Tratuhin ng tama ng mga driver ang mga bisitang nasa Naga City ngayong Semana Santa na namamasyal.
Ito ang pakiusap ng isang opisyal sa mga driver ng pampublikong sasakyan.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay City Councilor Melvin Ramon Buenafe, Chairman ng Transport committee sa konseho, sinabi nitong palagi niyang ipinaalala sa transport sector na sila ang “mukha at representante” ng lungsod, kung anong pag-uugali ang ipapakita ng mga ito siya ring larawan ng LGU-Naga na tatatak sa isipan ng mga bisita.
Kabilang sa kagandahang-asal dapat na ipakita ng mga driver ay iyong hindi ito abusado partkular na sa pamasahe, iyong tama lang at hindi over pricing, magiliw makiusap at kung tatangi sa pasahero magpaliwanag sa mahinahong paraan, sabi pa ni Buenafe.