CAMARINES SUR — Magbaon ng mahabang pasensya at pag-iintindi sa mga kapwa motorista sa daan, dahil ngayong semana santa aasahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa bayan ng Goa, Camarines Sur.
Ayon kay Neo Pitallano, ang head ng Goa Traffic Management Office, bukod sa pribadong sasakyan ng mga bisitang uuwi at dadaan sa nasabing bayan, malaking ambag sa mabagal na usad ng mga sasakyan ang nagpapatuloy na drainage repair at road work sa mga pangunahing daan sa kasentruhan.
Samantala, kaugnay nito, naka-alerto na rin ang mga personahe ng GTMO maging ang kapulisan upang tumulong sa pagpapanatili ng seguridad ng mga byahero. Ibayong pag-iingat naman ang paalala ng opisina sa mga driver at motorista, at iwasan na ang pag-iinom ng alak lalo na kung magmamaneho.