Mga baybayin ng Sitio Panaguan at Cagticao sa bayan ng Castilla, napailawan na

SORSOGON CITY – Maliwanag na ang mga Sitio ng Panaguan at Cagticao sa Bagong Sirang sa bayan ng Castilla.

Ito’y matapos na makumpleto na ang paglalagay ng mga solar lights sa nasabing mga lugar.

Read More:  12 injured in BJMP prisoner transport crash in Cotabato

Matatandaan na ang pagpapailaw sa nasabing mga sitio ay matagal nang hinihiling ng mga residente dito na ang pangunahing hanap buhay ay pagpapalaot upang magkaroon ng maliwanag na baybaying dagat para na rin sa kaligtasan ng mga ito sa tuwing sila ay mangingisda.

Read More:  CHMSU graduate tops Army officer candidate class ‘Talagilab’

Ang nasabing proyekto ay naisakatuparan ng LGU-Castilla sa pamamagitan ng Municipal Engineering Office.

PHOTO: Castilla PIO