Gale warning sa karagatang sakop ng Camarines Norte lifted na, mga mangingisda maaari na muling pumalaot

CAMARINES NORTE- Inalis na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o Pagasa ang gale warning sa karagatang sakop ng Camarines Norte.

Dahil dito maaari na muling pumalaot ang mga mangingisda na ilang araw na natengga ang hanapbuhay dahil sa hindi magandang lagay ng panahon.

Batay sa inilabas na Sea Travel Advisory ng Camarines Norte Coast Guard Station kaninang umaga, lifted na ang gale warning sa lalawigan dahil sa improvement ng weather at sea condition.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Sa kabila nito, pinaalalahanan ng Coast Guard ang lahat ng klase ng bangka maliiit man o malaki na patuloy na mag ingat dahil sa kasalukuyang lagay ng panahon lalo’t umiiral pa ang amihan.

Sa katunayan nauna nang sinabi ng Pagasa ang hanggang sa susunod na linggo ay mararanasan ang minsang hindi kagandahang lagay ng panahon.

Pero hindi naman daw ito dire- diresto dahil maaaring magkaroon ng pagbabago.

Aminado ang Pagasa na may mga pagkakataong mahirap i- predict ang panahon ngayon lalo na ang lagay ng karagatan.

Read More:  11 rescued after pumpboat capsizes near Guimaras

Kaya naman payo nito sa mga mangingisda na gawin ang lahat ng mga pag- iingat upang makaiwas sa disgrasya.

Ganito rin ang paalala ng Coast Guard na maging mapagmatyag at palagiang alamin ang kalagayan ng panahon sa pamamagitan ng pakikinig at panonood ng balita ukol ditto.

Matatandaan na unang itinaas ang gale warning sa probinsiya noong linggo ng hapon.