‘Hustisya’ panawagan ng Catanduanes PPO  sa nangyaring pananambang sa kanilang kasamahan

BNFM BICOL—Hustisya ang panawagan ng Catanduanes Police Provincial Office para sakanilang kabaro na nasawi sa nangyaring pananambang ng mga rebeldeng grupo sa anim na PNP personnel ng San Miguel MPS sa lalawigan ng Catanduanes nitong Martes.

Sa opisyal na pahayag ng CATPPO, tinawag nitong “walang puso” at “salot” ang mga teroristang NPA dahil sa brutal na pagpaslang sa isang pulis na anila’y naglilingkod lamang ng tapat sa bayan.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Una na ring nagpahayag ng mariing pagkondena ang PNP-Bicol hinggil sa insidente kung saan sinabi ng pamunuan ng kapulisan sa rehiyon na ito ay isang karumal-dumal at nagpapakita lamang umano ng kawalang galang ng mga rebeldeng grupo sa mga otoridad.

Nagpahayag din ang PRO 5 ng pakikiramay sa naulilang pamilya ng biktima at nangakong ibibigay ang nararapat na hustisya sa mga ito.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Matatandaang tanghali nitong araw ng Martes nang tambangan ng mga pinaniniwalaag miyembro ng New People’s Army ang anim na mga personahe ng PNP sa Sitio Tucao Brgy. JMA sa bayan ng San Miguel, Catanduanes na magsisilbi lamang sana ng arrest warrant sa isang wanted person.

Nakatakas at nakapagtago ang limang pulis ngunit hindi pinalad na makaligtas ang isang kasamahan ng mga ito na si PSMS John Teston na idineklarang “killed in action.”###