Ginang natagpuang patay sa ilog ng Bula, Camarines Sur

NAGA CITY- Palutang-lutang na bangkay nang natagpuan ang isang ginang sa Bula , Camarines Sur.

Sa ulat ng PNP nakita ng isang 15-anyos na binatilyo ang bangkay. Sa retrieval operation, nakilala ang biktima na 42-na ginang na residente ng Barangay Duran , Nabua parehong lalawigan. 

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Napag-alaman sa residente na madalas makita ang biktima na naliligo ng walang damit. Huli itong nakita noong Disyembre 3, 2023. Ayon sa pamilya nakakaranas ng mental illness o may problema sa pag-iisip ang ginang.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Nakipag ugnayan na sa Rural Health Unit ang pulisya para hilingin ang otopsiya.