Mga bagong dating na Sinovac vaccine at Sputnik V sa Region 2; inilaan sa Isabela at Nueva Vizcaya

Inilaan ng Department of Health Region 2 ang mga bagong dating na bakunang Sinovac vaccines at Sputnik V sa lalawigan ng Isabela at Nueva Vizcaya.

Dumating kahapon, June 25, 2021 ang nasa 10,000 doses ng Sinovac vaccine at 4,800 doses ng Sputnik V.

Dadalhin umano ang mga dumating na Sinovac vaccine sa LGU City of Ilagan habang ang 2,400 doses ng Sputnik V ay ibibigay sa Provincial Government of Isabela at ang kalahati nito ay mapupunta sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Ayon kay Joyce Maquera, ang vaccination focal person ng DOH Region 2, mayroon ng kabuoang 217, 640 na dose ng bakuna ang unang dumating sa Rehiyon kung saan 123, 980 dito ay Sinovac, 84, 000 ang Astrazeneca, 9,360 ang Pfizer at 300 ang Gamaleya.

Sinabi pa niya na umabot na sa 93.59% ang consumption rate ng mga bakuna sa Region 2 habang naitala ang 496 na wastage, 4, 505 na deferrals at 638 na refusals.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *