Higit P1M livelihood assistance, ipinasakamay sa mga dating rebelde sa Isabela

Natanggap na ng mga dating kasapi ng rebeldeng NPA ang livelihood assistance na nagkakahalaga ng mahigit 1 million pesos mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) Region 2 sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Ayon sa 5th Infantry Division Philippine Army, nasa kabuoang 1,287,592 pesos ang halaga ng naturang tulong-pangkabuhayan na iniabot sa Salaknib Former Rebels Integrated Farm Association (SARIFA).

Habang magbibigay naman ang LGU San Mariano ng financial literacy training at iba pang kasanayan para sa 43 former rebels na siyang mangangasiwa sa natanggap na tulong. Bukas naman ang 5ID na ipagamit ang nasa 10 ektarya ng lupa para sa kanilang pangkabuhayan at pagdarausan ng kanilang trainings.

Sinabi naman ni Atty. Joel Gonzales, ang Regional Director ng DOLE Region 2 na patunay lamang ito na ang gobyerno ay handang abutin ang mga naligaw ng landas na makapagbagong buhay.

Sinabi naman ni MGen Laurence E Mina, Commander ng 5ID na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga ahenysa ng gobyeno para maipaabot ang mga programa at serbisyo para sa mga dating rebelde.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *